DOST, bukas sa pag-aaral ukol sa epekto ng COVID-19 vaccine sa mga kabataan

Bukas ang Department of Science and Technology (DOST) sa posibilidad na magsagawa ng pag-aaral ukol sa epekto ng COVID-19 vaccines sa mga kabataan.

Ayon kay DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, maaaring isagawa ang pag-aaral kapag nagpasya na ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil dito.

Mahalagang malaman kung ang reponse ng ibang bansa ay magiging katulad din sa Pilipinas kapag binakunahan na ang mga kabataan.


Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa mga batang may edad 12 hanggang 15.

Facebook Comments