DOST, bukas sa pag-develop ng yeast-based COVID-19 vaccine

77

Bukas ang Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) sa pag-develop ng yeast-based COVID-19 vaccine ng isang Filipino-American molecular biologist.

Ayon kay DOST-PCHRD Executive Director Dr. Jaime Montoya, makikipag-ugnayan sila kay Fr. Nicanor Pier Giorgo Austriaco para talakayin ang development ng yeast-based oral vaccine.


Ikinalulugod ni Montoya ang mga inisyatibo ni Austriaco, na isang Professor ng Biological Sciences sa University of Santo Tomas (UST).

Una nang sinabi ni Prof. Austriaco na ang yeast-based vaccine ay mas mura at maaaring ibiyahe kahit walang refrigeration.

Facebook Comments