Maglulunsad ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST) ng bagong klaseng nutribun na ipapamahagi sa mga feeding programs at makatutulong sa mga magsasaka.
Ang bagong klaseng nutribun ay gawa sa carrots na mayroong natural fiber at walang artificial flavor at kulay.
Magbibigay rin ito ng 31% energy o 500 kilocalories, 59% Protein o 18 grams, 90% Vitamin A o 350 micrograms, 60% Iron o 6 milligrams, Calcium, Potassium at Zinc para punan ang nutrition requirement ng mga batang may edad anim hanggang siyam na taong gulang.
Hinihikayat ng DOST ang mga manufacturers at panaderya na gamitin ang recipe para mas maraming bata ang maka-avail nito.
Ang ‘enhanced’ nutribun ay ilulunsad bukas, April 28.
Facebook Comments