Tiniyak ng Department of Science and Technology o DOST na handa ang kanilang ahensya sa gitna ng umiiral na panahon ng tag-ulan sa buong bansa
Ayon kay I DOST-NCR Assistant Regional Director Arman Bionat na kumpleto na ngayon sa equipment ang DOST.
Kabilang na aniya rito ang mga doppler radar na para sa pagmonitor ng mga ulan, kaya wala nang problema sa “accuracy.”
Paliwanag pa ni Bionat, gamit ang kanilang equipment ay nalalaman na kaagad kung may ulan at maski ang dami ng ibubuhos nito.
Dagdag ng opisyal, mayroonh sapat na dami ng personnel ang DOST, kaya kayang-kayang gampanan ang tungkulin para sa serbisyo-publiko.
Mayroon din aniyang ginawa ang DOST na serye ng trainings sa mga Lokal na pamahalaan at Non-Government Organizations, kaya hindi na mabibigla kapag may malakas na ulan o iba pang kalamidad.