DOST, handang magsagawa ng iba pang clinical trials sa Ivermectin

Nakahandang tumalima ang Department of Science & Technology (DOST) kung ipag-uutos ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na magsasagawa sila ng sariling pag-aaral hinggil sa Ivermectin.

Ang Ivermectin ay isang gamot para sa hayop na may bulate o parasitic disease kung saan kamakailan ay ginawaran ng FDA ng special permit for compassionate use.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na sa ngayon ay hindi nila nakikita ang pangangailangan para magsagawa sila ng clinical trial sa Ivermectin dahil marami na ang isinagawang pag-aaral dito sa Pilipinas at may nagpapatuloy pang pag-aaral dito na inumpisahan lamang noong isang taon.


Sa mga lumabas na naunang pag-aaral, sinabi ni Dela Peña na hindi klaro o walang matibay na ebidensya na makapagpapatunay na panggontra kontra COVID-19 ang Ivermectin.

Mainam aniyang hintayin na lamang ang resulta nang nagpapatuloy na recent study sa Ivermectin bago sila maglabas ng pahayag na mabisa nga ang Ivermectin na panlaban sa COVID-19.

Facebook Comments