DOST, hinikayat ang medical frontliners na samantalahin ang unang bugso ng libreng bakuna

Nanawagan sa medical frontliners si Department of Science and Technology (DOST) Philippine Center for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya na samantalahin ang pinakamaagang pagkakataon para mabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Montoya, limitado lamang kasi ang suplay ng bakuna at ang healthcare workers ang nasa harapan ng panganib dahil sa kanilang trabaho.

Una na kasing sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na maghihintay ang mga healthcare worker na tatanggi na mapasama sa mga mauunang mabakunahan.


Sa gitna na rin ito ng paniniyak ni Usec. Cabotaje na hindi sapilitan ang pagpapabakuna at kukunin ang consent o pagpayag ng sinuman bago siya maturukan.

Facebook Comments