DOST, isinalang na sa testing ang virgin coconut oil bilang potensyal na gamot sa COVID-19

Bumubuo na ang Department of Science and Technology (DOST) ng hand and body lotion na mayroong Virgin Coconut Oil (VCO).

Ito kasunod ng pag-aaral ng ilang researchers na ang VCO ay isang potensyal na gamot para sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Rosalinda Torres, pinuno ng Standards and Testing Division, gagamitin na nila ang unique properties ng VCO para sa bubuoing produkto.


Ang VCO ay mayroong antibacterial, antifungal, at antiviral properties.

Si Dr. Torres ay nakapagsagawa at napatunayan sa clinical tests nang bisa at ligtas na paggamit ng lotion at cream bilang anti-fungal products.

Ang lotion at cream na may 5% concentration ng VCO ay isinalang sa test para malaman ang inhibitory at reactivity nito laban sa dalawang fungal strains, ito ay ang Microsporum canis na nagdudulot ng ringworm sa anit at katawan at Canida Albicans na nagdudulot naman ng skin infection sa kili-kili, singit, at pagitan ng mga darili sa kamay at paa.

Ang resulta, nagawa ng lotion at cream na may VCO na mapigilan ang pagkalat at pagkakaroon ng impeksyong dala ng dalawang fungal strains.

Facebook Comments