DOST, maglalagay ng air quality monitors sa ilang lugar sa Batangas at Cavite

Maglalagay ng air quality monitors ang Department of Science and Technology sa ilang lugar sa lalawigan ng Batangas at Cavite.

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagbubuga ng usok ng Bulkang Taal na posibleng magdulot ng panganib sa mga residenteng nakatira malapit dito.

Ayon sa DOST – Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD), layon nitong suriin ang kalidad ng hangin sa mabibigyang mga Local Government Units.


Paliwanag ng kagawaran, dinisenyo rin ito upang mabawasan ang epekto ng air pollution sa mga komunidad at establisyimento.

Ipapamahagi ang mga Robust Optical Aerosol Monitor (ROAM) air quality monitor units sa bayan ng Agoncillo sa Batangas, Tagaytay City at Alfonso, Cavite.

Facebook Comments