DOST, magtatayo ng sample collecting booth para sa COVID-19 mass testing

Magtatayo ang Department of Science and Technology (DOST) ng mga sample collecting booth para sa COVID-19 mass testing.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, katuwang ng lahat ng regional offices ng ahensya ang Department of Health (DOH) sa pag-i-install ng mga booth.

Target na makapagpatayo ng 132 specimen collection booth sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.


34 dito ay itatayo sa Metro Manila.

Sa mga susunod na araw, ilalabas ng DOST ang karagdagang detalye ng mga napiling pasilidad na mapagkakalooban ng mga collection booth.

Facebook Comments