Ibinahagi ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga bagay na nais nilang marinig at umaasang mababanggit sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, kumpiyansa silang mababanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga achievements sa larangan ng agham at teknolohiya.
1. Ang pag-angat ng Pilipinas sa Globan Innovation Index (GII) Rankings
2. Ang Technology and Innovation Report 2021 ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) kung saan pangalawa lamang ang Pilipinas sa India sa overperforming countries pagdating sa kahandaan para sa bagong frontier technologies na may kaugnayan sa Gross Domestic Product (GDP)
3. Ang pagtatayo ng centers for advanced manufacturing technologies, materials testing, new materials, packaging at metrology.
4. Ang mabilis na pag-angat ng Pilipinas sa larangan ng space technology development
5. Ang pagsasabatas ng Balik Scientist Act of 2018, Philippine Space Agency Act, maging ang The Innovative Start Up Act at Philippine Innovaction Act.
Umaasa rin si Dela Peña na itutulak din ni Pangulong Duterte ang pagpasa sa batas na magtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines.
Target ng DOST na isagawa ang ground break ng state-of-the-art VIP sa ika-apat na kwarter ng 2021.