DOST, naghahanda na para COVID-19 vaccine trials

Naghahanda na ang Department of Science and Technology (DOST) para sa COVID-19 vaccine trials sa bansa.

Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, magsasagawa ng dry run para sa cold chain transport ng posibleng COVID-19 vaccines sa clinical trial sites.

“When the World Health Organization announces kung ano ‘yung mga bakuna saka ano ‘yung protocol and then imo-mobilize na natin ‘yung ating mga trial teams,” sabi ni Dela Peña.


Ang susunod na hakbang ay paghahanda ng mga pasilidad na kailangan at pag-recruit ng mga volunteers.

Nasa 12 ospital sa Metro Manila, Cavite, Cebu City at Davao City ang magsisilbing trial sites.

Bubuo rin ang DOST ng data at safety monitoring committee para oversight ng mga volunteers.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa mga pharmaceutical companies.

“‘Yung mga kausap namin na ‘yun are ‘yung mga developers ng vaccine na in-approach natin base sa mga existing bilateral agreements ng Philippines with their country for collaboration in science and technology. Although mayroon ding lumapit on their own para i-trial dito ‘yung kanilang bakuna,” ani Dela Peña.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO), na ang posibleng matuklasan ang bagong COVID-19 vaccine sa katapusan ng taon.

Facebook Comments