DOST, nakabatay lamang sa datos sa pag-evaluate sa Sinovac sa gitna ng isyu ng bribery

Nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST) na nakadepende sila sa datos na ibinibigay ng Chinese firm na Sinovac para sa evaluation ng kanilang COVID-19 candidate vaccine.

Ito ang pahayag ng ahensya sa tanong kung makakaapekto sa pagbili ng Sinovac vaccines sa bansa ang isyu ng bribery ng kumpanya.

Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, ang evaluation sa clinical trial results ang kanilang ginagawa.


Mayroon aniyang hiwalay na team na nakatuon sa procurement ng mga bakuna.

Ang kanilang evaluation ay isa sa magiging basehan ng Food and Drug Administration (FDA) para mabigyan ang Sinovac ng approval para magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas.

Facebook Comments