DOST, nakapagtala ng 35 kwalipikadong partisipante para sa pag-aaral ng VCO laban sa COVID-19 sa Valenzuela City

Aabot sa 35 tao ang naging kwalipikadong sumailalim sa pag-aaral ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition and Research Institute (DOST-FNRI) sa Virgin Coconut Oil (VCO) sa Valenzuela City.

Layunin ng randomized double-blind controlled intervention trial ng DOST-FNRI na ma-evaluate ang benepisyo ng VCO sa mga suspected at probable cases ng COVID-19 na naka-quarantine sa ospital o sa iba pang health centers.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, nasa 120 participants ang target sa nasabing pag-aaral.


Mula sa 35 kwalipikadong participants, 10 ang sumasailalim sa intervention habang ang 19 ay graduated o nakapagtapos na sa programa.

Mayroong anim na participants ang umatras at hindi tinapos ang intervention.

Batay sa isinagawang VCO study sa Santa Rosa, Laguna, lumalabas sa resulta na kapag pinaghalo ang VCO sa pagkain ay nababawasan ang COVID-19 symptoms sa mga suspected at probable cases, at napipigilan ang paglala ng sakit.

Facebook Comments