Inihahanda na ang pamahalaan ang mga lugar na pagdarausan ng mix-and-match COVID-19 vaccine clinical trials.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevara, kabilang sa mga lugar na sisimulan ng mix-and-match vaccine trials ang Manila, Marikina, Muntinlupa, Davao City, and Dasmariñas sa Cavite.
Aniya, hindi pa nagsisimula ang recruitment ng mga participant sa clinical trial pero inaasahan nila na aabot sa 3,000 na Pilipino ang sasali rito.
Sinabi rin ni Guevara na ang mga kasali sa trial ay dapat hindi pa nababakunahan para makita ang magiging epekto ng paghahaluing bakuna.
Ang nasabing mix-and-match COVID-19 vaccine trials ay tatagal ng limang buwan habang aabutin ng isang taon ang monitoring ng project team sa mga participant.