DOST, nilinaw na wala pang clinical trials sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccine

Nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST) na wala pang inilalabas na permit para sa pagsasagawa ng clinical trials para sa COVID-19 vaccine sa bansa.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng mga ulat na may ilang mambabatas ang nabakunahan na gamit ang ‘experimental’ trial ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay DOST Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Jaime Montoya, wala pang inaaprubahang bakuna sa alinmang bansa sa mundo.


Pero sinabi ni Montoya na maaaring sumali ang mga Pilipino abroad sa clinical trials sa mga bansa kung nasaan sila.

Matatandaang binanggit ni Senate President Tito Sotto III sa isang panayam na nagpaturok na ng experimental vaccine sina Senator Panfilo Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.

Facebook Comments