Wala pang solid conclusion ang mga clinical trials sa buong mundo kaugnay sa pagiging mabisa ng Ivermectin bilang pantugon sa COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra na nasa higit 50 pag-aaral na sa buong mundo ang ginagawa para sa Ivermectin.
Ilan aniya sa mga pag-aaral na ito ay tapos na.
Gayunpaman, hindi pa rin aniya sapat ang mga datos upang mairekomenda ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Matatandaang una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drug Administration (FDA) na magsagawa ng pag-aaral sa Ivermectin.
Facebook Comments