DOST, nilinaw na wala pang pag-aaral sa buong mundo na makapagsasabing mabisang panlaban sa COVID-19 ang Ivermectin

75

Wala pang solid conclusion ang mga clinical trials sa buong mundo kaugnay sa pagiging mabisa ng Ivermectin bilang pantugon sa COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra na nasa higit 50 pag-aaral na sa buong mundo ang ginagawa para sa Ivermectin.


Ilan aniya sa mga pag-aaral na ito ay tapos na.

Gayunpaman, hindi pa rin aniya sapat ang mga datos upang mairekomenda ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Matatandaang una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drug Administration (FDA) na magsagawa ng pag-aaral sa Ivermectin.

Facebook Comments