Nagsagawa ang Department of Science and Technology (DOST) Pangasinan ng malawakang paglilinis at pag-aayos matapos ang pagbaha na dulot ng Bagyong Uwan.
Ayon sa pahayag, isa ang opisina ng DOST, na nasa 500 metro lamang ang layo sa Lingayen Beach, sa mga higit napinsala ng storm surge na sinamahan pa ng high tide.
Noong kasagsagan ng bagyo, itinaas ang storm surge warning sa lalawigan kasabay ng pagsasailalim nito sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ng PAGASA.
Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang ilang operasyon ng opisina, kabilang ang calibration services, upang masuri at ayusin ang mga naapektuhang kagamitan.
Gayunpaman, nanatiling bukas ang aplikasyon para sa PSHS System – National Competitive Examination (PSHSS-NCE) 2026, kung saan pinalawig ang deadline hanggang Nobyembre 23. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









