Pinag-aaralan na ng Department of Science and Technology (DOST) – Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ang mga pangmatagalang sintomas ng COVID-19 o long term symptoms.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinawag ang pag-aaral bilang ‘Genetics Immunological and Neurological Long Term Consequences in Prospective COVID-19 Cohorts” kung saan kasama ang Thailand, Japan, United States at Pilipinas.
Aniya, kasama sa isinasagawang pag-aaral ang mga COVID-19 survivors na nakitaan ng long term symptoms.
Kasabay nito, tiniyak ni Vergeire na mayroon ng mga ospital sa bansa na kaya namang pamahalaan ang post COVID long term treatment center.
Facebook Comments