DOST Sec. Boy Dela Peña, natuwa sa mga Iskolar ng Ilocos Norte

44

iFM Laoag – Laking tuwa ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato “Boy” Dela Peña sa kanyang pagbisita sa mga Masteral Scholars ng DOST sa lalawigan ng Ilocos Norte para sa 6th National Research Conference in Science and Mathematics Education.

Ibinahagi ni Dela Peña ang iba’t-ibang mga proyekto ng gobyerno sa larangan ng edukasyon at teknolohiya sa bansa lalong-lalo na ang mga nag-aaral na mga guro upang mas mapagtibay pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.


Ipinakita naman ng mga DOST Scholars ang kanilang mga obra gaya na lamang ng Poster Research, Paper Presentations at Oral Research Presentations sa larangan ng siyensiya. Laking tuwa naman ng kalihim sa mga proyekto ng mga mag-aaral na guro.

Dinaluhan ito ng tatlong daan at limampong (350) participants mula sa labing-anim (16) na unibersidad sa buong Pilipinas na ginaganap ngayon sa Fort Ilocandia, Laoag City, Ilocos Norte. (Bernard Ver, RMN News)

Facebook Comments