DOST, sinisikap na maging self-reliant sa bakuna ang Pilipinas

Nangako ang Department of Science and Technology (DOST) na gagamitin nila ang lahat ng paraan para matiyak na ang Pilipinas ay magiging “vaccine self-reliant.”

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, na siya ring Chairperson ng Task Group on Evaluation and Selection (TG-VES), nakapagsagawa na sila ng dalawang long-term action plans para maabot ang vaccine self-sufficiency.

Kabilang na rito ang pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VSTIP) na kasalukuyang isinusulong sa lehislatura, at ang muling pagtatatag ng DOST Pharma Center.


Ang DOST sa tulong ng iba’t ibang partners at collaborators ay patuloy na magtatrabaho hanggang sa mapuksa ang virus at matiyak na kaya nang gumawa ng sariling bakuna ang bansa.

Palalakasin din ng DOST ang public health sector sa pamamagitan ng siyensya, teknolohiya at innovation.

Ang DOST ay nakikipag-negosasyon na sa ilang international partners para sa vaccine development.

Nagpapatuloy ang diskusyon para sa independent clinical trials sa 25 biotech at pharmaceutical companies mula sa iba’t ibang bansa.

Facebook Comments