DOST, tiniyak na hindi maaapektuhan ng isasagawang clinical trials ang supply ng COVID-19 vaccines

Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) na ang supply ng COVID-19 vaccines sa bansa ay hindi maaapektuhan ng clinical trials.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, ang bansa ay mayroong kasunduan sa World Health Organization (WHO) para sa pagsasagawa ng Solidarity Vaccine Trial (SVT) sa bansa.

Aniya, ang mga bakunang gagamitin sa trials ay hindi manggagaling sa national vaccination programs dahil hindi ito pumasa sa Phase 3 o satisfactory results.


Paliwanag ni Guevarra, kapag ang bagong bakuna ay pumasa sa Phase 3, maaari itong isama sa mga opsyon ng mga bansa para sa kanilang vaccine deployment programs.

Facebook Comments