Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Science and Technology na kaya na nitong makipagsabayan sa pagbibigay ng “accurate weather” tulad sa ibang mga bansa.
Ayon kay DOST Sec. Fortunato dela Peña, malapit ng matapos ngayong taon ang mga doppler radars para sa pagsagap ng lagay ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bumaba ng 25% ang budget ng DOST sa susunod na taon na may 21.12 Billion pesos.
Paliwanag ni dela Peña, halos nakumpleto na kasi noong 2016 at 2017 ang equipment na hinihingi para sa modernisasyon ng DOST.
Inamin naman ng DOST na may mga umaalis pa ring empleyado sa ahensya o yung mga taga PAGASA na pinipiling mag-apply sa ibang bansa dahil sa mataas na alok na sahod sa mga meteorologist.
Pero depensa dito ni dela Peña, hindi naman extra ordinary na may umaalis na empleyado dahil ito ay nangyayari din sa ibang mga ahensya.
Siniguro naman ng ahensya na hindi naman sila nakukulangan ng empleyado dahil mayroong agad na pumapalit at sumasailalim ang mga ito sa regular na trainings.