DOST, tiwala sa desisyon ng FDA na payagan ang compassionate use ng Ivermectin

Buo ang tiwala ng Department of Science and Technology (DOST) sa desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) na payagan ang compassionate use ng Ivermectin para sa COVID-19 treatment.

Sabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang FDA ang regulatory authority para sa pagkain at gamot kaya nagtitiwala sila sa kanilang desisyon.

Welcome din para kay DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina L. Guevarra ang desisyon ng FDA.


Ikinalugod nila na nagsalita na ang FDA hinggil sa usapin.

Para naman kay Dr. Nina Gloriani, chairperson ng Vaccine Experts Panel (VEP), kailangan ng masusing pag-aaral bago irekomendang COVID-19 treatment ang gamot.

Ang World Health Organization (WHO) ay nakapagsagawa na ng clinical controlled trials sakop ang 2,400 participants sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Mahalaga aniya na hintayin ang resulta ng clinical trials.

Apat na parameters ang sinisilip ng WHO, ito ay kung nababawasan ng Ivermectin ang mortality, nababawasan ba nito ang paggamit ng mechanical ventilation at nababawasan ang hospital admission.

Kasama rin sa parameters ang improvement time ng COVID-19 patients.

Sinisilip na rin ng scientific community ang iba pang paremeters bago sabihing beneficial ang nasabing gamot.

Facebook Comments