Pinababalik ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Filipino scientists na mas piniling manirahan at manilbihan sa ibang bansa.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, sa pamamagitan ng “balik scientists” ang mga dalubhasa ay binibigyan ng benepisyo para sila ay manilbihan sa sariling bansa.
Sa ngayon sinabi ni Dela Peña na nakapagpauwi na sila ng 14 na scientists sa unang 2 buwan pa lamang ng 2019.
Ang mga ito ay eksperto sa larangan ng health, agriculture, aquatic and marine, and energy and emerging technologies.
Kapag ito aniya ay magpapatuloy makakamit ng DOST ang target nilang 70 to 80 balik scientists ngayong taon.
Paliwanag nito 60 scientists ang target na pabalikin ng bansa kada taon magmula nang ipatupad ang nasabing programa alinsunod na rin sa ‘Balik Scientist Act’ na naisabatas noong June 2018.