DOT, aapela sa IATF na payagang makabisita sa Boracay ang mga taga-Metro Manila at alisin na age restriction

Hihilingin ng Department of Tourism sa Inter-Agency Task Force na payagang ang mga taga-Metro Manila na makapunta sa isla ng Boracay sa oras na buksan ito sa mga turista sa Oktubre a-uno.

Ang Metro Manila ay nananatili ngayon sa General Community Quarantine kung saan ipinagbabawal sa ilalim nito ang hindi otorisadang paglalakbay at hindi pinapayagan na lumabas ang mga edad 60 at 20-years old pababa.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo – Puyat, kanya rin iaapela sa IATF na tanggalin na ang age restrictions para sa mga turista sa island.


Giit ni Puyat, kapag nagbabakasyon ang mga Pilipino, kasama ang buong pamilya kaya marapat lang na wala nang age restriction.

Pero sa kabila nito, binigyan diin ng kalihim na lahat ng bibisita sa Boracay ay kailangang negatibo sa PCR Coronavirus test sa loob ng 48 hanggang 72 hours, bago ang kanilang biyahe.

Kinakailangan rin na sa 200 resort na sertipikado ng DOT sila naka-book at laging nakasuot ng mask at naka-social distancing.

Hunyo ng binuksan partially ang Boracay sa mga turista mula sa Western Visayas Region at ngayong Oktubre ay pormal na itong bubuksan sa publiko.

Facebook Comments