Naglabas na ng resolusyon ang Department of Tourism (DOT), kung saan nakasaad dito na may pananagutan ang City Garden Grand Hotel (CGGH) sa Makati City kung saan namatay ang flight attendant na si Christine Angelica Dacera.
Ayon sa DOT, liable ang nasabing hotel sa offense of gross and evident bad faith in dealing with clients solicitation of business or making any false, deceptive, or misleading claims or statements for the purpose of soliciting business from clients.
Ito ay sa ilalim ng Section 13.2 (c) ng DOT Memorandum Circular No. 2018-03.
Partikular anilang nilabag ng City Garden Grand Hotel ang pagpapahintulot nito na mag-check in ang kanilang mga bisita o ang grupo ni Dacera para sa party noong Bagong Taon.
Ito ay bagamat pinahihintulutan lamang ang pamunuan ng hotel na mag-operate bilang quarantine facility at hindi para sa leisure o staycation purposes dahil ang lugar ay nasa ilalim ng General Community Quarantine.
Natuklasan din sa imbestigasyon ng DOT National Capital Region (DOT-NCR) na bago pa man ang insidente at hanggang sa ngayon ay may marketing packages ang hotel para sa mga bisitang nais mag-staycation.
Bunga nito, pinatawan ng DOT ang nasabing hotel ng 6 months suspension ng DOT accreditation, pagmulta ng Php10,000.00 at pagbawi ng kanilang Certificate of Authority to Operate.
May kaparatan naman ang hotel na iapela ang nasabing resolusyon ng DOT.