Para kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. Mahusay ang performance ng Department of Tourism (DOT) at Secretary Cristina Frasco bagama’t nakatanggap ng mga puna ang “Love the Philippines” campaign video na inilunsad nito.
Giit ni Haresco na maraming nagawa ang DOT at si Frasco para mapalakas ang turismo sa bansa at patunay nito ang 2.65 million na mga turistang dumating sa bansa noong 2022 na nagbigay ng kita na PhP 208.96 billion sa sektor turismo na mas mataas ng 2465.75 percent kumpara noong 2021.
Pinagmalaki rin ni Haresco, na nitong May 15 ay nasa mahigit 2 milyong dayuhang turista na ang naitatala kaya siguradong makakamit ang target na 4.8 million foreign visitors ngayong 2023.
Ibinida din ni Haresco ang mga international recognition and awards na natanggap ng DOT tulad ng nominasyon sa Pilipinas sa dalawang major awards sa ilalim ng Asia category of the 30th World Travel Awards.
Diin pa ni Haresco, ang tourism department ay kasama din sa tatlong ahensya ng gobyerno na may pinakamataas na approval ratings sa buong bansa.
Bunsod nito ay buo ang kumpyansa ni Haresco na magtatagumpay “Love the Philippines” tourism campaign na aniya’y mistulang love letter natin sa buong mundo.