DOT, dinepensahan ang bagong Philippine branding na “We give the world our best”

Dinepensahan ng Department of Tourism ang kinukwestiyong bagong Philippine branding na nakita sa isang advertisement sa United Kingdom.

Matatandaang nagpahayag ng pagkabahala si Senate Committee on Tourism Chairperson Nancy Binay sa ad kung saan makikita ang Filipino-British nurse na si May Parson katabi ang mensaheng “We give the world our best. The Philippines.”

Sabi ni Binay, malabo ang mensahe ng ad at baka isipin ng iba na isang labor-exporting country ang Pilipinas.


Pero para kay Tourism Sec. Christina Garcia Frasco, ang mensahe sa ad ay ‘statement of fact’ ng kung anong maiaalok ng Pilipinas sa mundo gaya ng best beaches, best sites, best nature destinations at best tour guides.

Gayunpaman, nilinaw din ng kalihim na hindi ito ang bagong tourism brand ng bansa.

Ang nasabing advertisement ay ideya ng Office of the Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC).

Facebook Comments