DOT, dismayado sa panibagong pamemeke ng turista ng COVID test result

Dismayado ang Department of Tourism sa panibagong insidente ng pamemeke ng COVID-19 test result.

Partikular ang isang 24-anyos na lalaki mula sa Quezon City na dumating sa Coron, Palawan kung saan positibo pala ito sa COVID-19.

Pinuri naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mabilis na koordinasyon sa pagitan ng 2 Local Government Units (LGU) na nagresulta sa mabilis na detection ng COVID case at contact tracing.


Inirekomenda naman ng DOT Region IV-B na mapatawan ng parusa ang nasabing turista.

Iniulat naman ng Coron Emergency Operations Center na lahat ng first generation contacts ng nasabing turista ay negatibo sa RT-PCR test habang ang secondary contacts naman nito ay negatibo sa antigen test.

Facebook Comments