Nakahanda ang Department of Tourism (DOT) na tulungan ang rehabilitasyon nang nasunog Manila Central Post Office.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na nararapat na mabigyan ng atensyon at suporta ang pagpapaasyos ng Manila Central Post Office.
Ikinokonsidera kasing cultural treasure ang deka-dekada nang gusali ng Manila Central Post Office.
Maari anyang humingi ng tulong ang DOT sa kanilang attached agency na TIEZA o ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority para sa pondo sa rehabilitasyon.
Sa ngayon hindi pa tukoy ang sanhi nang pagkasunog nang Manila Central post Office.
Ipinauubaya naman ng National Historical Commission of the Philippines sa Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pagsasagawa ng retrieval operations at pagtukoy ng mga pangunahing pangangailangan ng mga empleyado ng Manila Central post Office bilang kanilang commitment sa pagtulong sa rehabilitasyon ng neoclassical structure.