DOT hindi dapat iugnay sa WOW Pilipinas Partylist

Manila, Philippines – Tahasang itinanggi ng Department of Tourism (DOT) na sila ay related o affiliated sa WOW Pilipinas Partylist.

Ang paglilinaw ay ginawa ng DOT makaraang lumabas ang ilang reports na iniuugnay ang ahensya sa naturang partylist.

Ayon sa DOT nananatili silang apolitical at non-partisan at ang tanging mandato nila ay i-promote o palaganapin at palakasin ang Philippine tourism.


Kasunod nito pinaalalahanan ng ahensya na ang lahat ng kanilang official communication kabilang na ang press releases, statements at pronouncements ay maaaring makita sa kanilang website na www.tourism.gov.ph gayundin sa kanilang Facebook at Twitter accounts.

Matatandaang bumalandra ang logo ng WOW Pilipinas Partylist sa boxing ring sa pinakahuling laban ng Pambansang kamao Manny Pacquiao laban kay Adrien Broner nitong Linggo.

Facebook Comments