DOT, hiniling sa mga LGU na simplehan na lamang ang requirement sa mga tourist destination

Umapela ang Department of Tourism (DOT) sa Local Government Unit (LGUs) na pasimplehin ang mga travel requirement para sa mga turista.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, kailangang plantsahin na ng mga lokal na pamahalaan ang proseso sa pagbiyahe lalo na sa mga bakunado dahil inaasahang mas dadami pa ang mga turista.

Aniya, dapat ding magdagdag ang mga ito ng equipment at mga taong tututok sa QR codes ng mga biyahero.


Paliwanag ni Puyat, marami na ang mga bumibiyahe kasabay ng pagluluwag sa quarantine restrictions dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments