DOT, humiling ng kooperasyon sa publiko sa pagpapanatili ng kalinisan sa Rizal Park

Manila, Philippines – Kasunod ng tone-toneladang basura na iniwan sa Rizal Park sa Maynila ng mga indibidwal at grupong nagdaos ng Noche Buena at Pasko doon, nananawagan ngayon ang Department of Tourist (DOT) sa publiko na iwasan na itong maulit pa.

Sa official statement na inilabas ng DOT, hiling nila ang pagiging responsable ng mga Pilipino.

Anila, ang pagpapanatili sa kalinisan ng parke at iba pang tourist destinations sa Pilipinas ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kung hindi responsibilidad din ng bawat Pilipino.


Mananatili aniya sila sa kanilang mandato na panatilihin ang pag-pe-preserve sa mga destinasyon ng bansa at malaking papel anila dito ang kooperasyon ng bawat isa.

Umaasa ang DOT na hindi na mauulit pa na matambakan ng basura ang Luneta park, sa darating na pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments