DOT ibinida ang ganda ng SOCCSKSARGEN sa Central Mindanao

Hinikayat ng Department of Turism Region 12 ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling atin sa halip na magtravel sa ibat ibang panig ng mundo ay subukan na magtungo sa South Cotabato,Cotabato,Sultan Kudarat,Sarangani at General Santos City o SOCCSKSARGEN.

Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni DOT Regional Director Nelly Nita Dillera na sa pamamagitan ng Tresures of SOX: A Travel and Trade Expo Year 4 ay layon nito na mapalapit ang Central Mindanao sa Metro Manila at Karatig lugar sa pamamagitan ng pagtungo sa Atium sa Robinsons Ermita Manila upang kumuha ng kanilang Tour package na kayang kaya sa bulsa ng mga Pinoy.

Katuwanag ng DOT Region 12 ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Agriculture, DTI,TESDA at DOLE upang ipakilala sa mga Pilipino at mga dayuhan ang mga magaganda at matitibay na mga produkto na gawa ng mga Pilipino sa SOCCSKSARGEN.


Paliwanag ni Dillera na bukod sa magaganda at matitibay na mga produkto gaya ng bag,damit at textile ay mayroon din mga masasarap na pagkain na maaaring matitikman ng mga nagnanais na magtungo sa Central Mindanao.

Facebook Comments