DOT, ikinagalak ang pagkakasama ng Siargao sa listahan ng isang international magazine

Ikinatuwa ng Departmen of Tourism (DOT) ang pagkakabilang ng Siargao sa 10 destinasyon na dapat puntahan ng mga turista ngayong summer holiday.

Batay ito sa inilabas na listahan ng kilalang fashion at lifestyle magazine na Vogue Paris.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na patunay ito na ang likas na ganda ng Pilipinas ay nananatiling mapang-akit at kasama sa mga naiisip ng mga bakasyunista.


Ito ay sa kabila ng paghihigpit sa mga pumapasok sa Pilipinas para sa turismo bunsod ng pandemya.

Bukod sa isla ng Siargao, ang itinuturing na Surfing Capital ng Pilipinas

Ilan sa kasama sa listahan ng Vogue Paris ang mga isla ng Ponza sa Italy, Virgin Gorda sa British Virgin Islands at Canggu sa Bali, Indonesia.

Umaasa naman si Puyat na dahil nababakunahan na ang mga manggagawa sa sektor ng turismo, mapaluluwagan na ang pagpasok ng mga turista lalo na ang mga nakakumpleto ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments