Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang bagong kampanya nito na “Balikan ang Pilipinas” para hikayatin ang mga balikbayan na bumiyahe sa Pilipinas ngayong holiday season at bisitahin ang tourism destinations kasama ang kanilang mahal sa buhay.
Layunin ng kampanya na pasiglahin ang kabuhayan ng milyu-milyong tourism workers na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, magsisimula ang kampanya sa unang kwarter ng susunod na taon.
Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng microsite, unique tour packages, at special online-event.
Kasabay nito, inilunsad din ang music video nito tampok ang awiting ‘Mundo’ ng OPM band na IV of Spades, na hinango ng award-winning The Loboc Children’s Choir, at Mikey Amistoso.
Ang pagpapahintulot na makapasok ang mga balikbayans o dating Filipino citizens sa Pilipinas ngayong holiday season ay mahalagang ipagdiwang para sa milyu-milyong pamilyang naghihintay na makauwi ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.