DOT, ipinagmalaki ang pagkatanghal sa CRK bilang isa sa pinakamagandang paliparan sa mundo

Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakatanghal sa Clark International Airport (CRK) bilang isa sa mga pinakamagandang paliparan sa buong mundo.

Ayon kay Tourism Secretary Ma. Christina Frasco, patuloy nilang isusulong ang pagpapaganda ng mga imprastraktura sa tulong na rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Aniya, ang pagkilala sa CRK ay patunay na marami pang maipagmamalaki ang Pilipinas na maiaalok sa mga turista.


Ito’y kasunod na rin ng pagkilala sa prestigious Prix Versailles na isang World Architecture and Design Award (GADA) ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Sa ngayon, kabilang pa sa mga kinilala rin bilang pinakamagandang paliparan sa mundo ay ang Arturo Merino Benítez International Airport (AMBIA) sa Chile, Beijing Daxing International Airport (BDIA) at Chengdu Tianfu International Airport (CTIA) sa China, Berlin Brandenburg Airport (BBA) sa Germany, Eagle County Regional Airport (ECRA) sa Estados Unidos at marami pang iba.

Facebook Comments