DOT, isinusulong ang elderly-friendly tourism sa bansa

Nais isulong ng Department of Tourism (DOT) ang isang elderly-friendly tourism na layuning maging inklusibo sa mga turista at stakeholder sa kahit anong edad.

Nilagdaan ng DOT at National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang isang memorandum of understanding para paunlarin ang turismo na kabilang ang mga nakatatanda.

Ayon sa kasunduan ay pagsulong ito ng “barrier-free tourism” para sa mga senior citizen at para mapaghusay ang kanilang digital literacy at pag-access sa mga online tourism platform.

Sakop din ng kasunduan ang pagsasagawa ng senior artisan workshops at local product markets gayundin ang tourism-linked wellness programs, pagtatatag ng homestay program para sa mga nakatatanda, pagsulong ng culinary arts tourism at pagpapaunlad ng retirement villages at iba pang serbisyong turismo na naaangkop sa edad.

Nagpasalamat naman sa DOT ang NCSC para sa pakikipagtulungan, at sinabing ito ay sa mga turista kung gaano kahalaga importansiya ang ibinibigay ng mga Pilipino sa mga senior citizen.

Facebook Comments