Bumagsak ang kita ng bansa sa sektor ng turismo dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Tourism Usec. Benito Bengson na malaki ang ibinaba ng revenue ng bansa pagdating sa foreign arrival.
Sinabi pa ni Usec. Bengson na base sa kanilang pagtaya ay mayroon lamang tayong ₱85B na kita sa turismo magmula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon kumpara sa ₱134B na revenue natin nuong nakalipas na taon.
Kung kaya’t para makabawi ang turismo, pinaplantsa na ngayon ng ahensya ang Tourism Response & Recovery program.
Layon ng programa na matulungang makabangong muli ang tourism sector at mabigyan ng trabaho ang mga na-displaced na mga manggagawa sa mga resort, hotel at iba pang nasa sektor ng turismo.