DOT, nagbigay ng pahayag sa insidente ng pagtitipon o party sa Baguio City

Pinaalalahanan ng Department of Tourism (DOT) ang publiko sa mga panuntunan na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF-MEID kaugnay sa mga pagtitipon kabilang ang mga social events gaya ng birthdays, weddings, Christmas at office parties, pageants, award events, gala receptions, product launch events, political gatherings, cultural festivities at sporting events.

Ayon sa DOT, pinahihintulutan naman ang ilang mga pagtitipon sa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ, kinakailangan lamang na sumunod ang mga event organizers at participants sa minimum Health and Safety Guidelines o HSG gaya ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Iginiit ng DOT na kinakailangan ang mahigpit na pag-oobserba ng Health and Safety Guidelines at Rules and Regulations na nakapaloob sa DOT-accredited tourism enterprises kung saan warning, suspension o kaya revocation ng kanilang accreditation ang naghihintay sa mga lumalabag depende sa bigat ng kanilang pagkakasala.


Itinataguyod ng DOT ngayong new normal ang responsable at maingat na turismo na ligtas sa lahat.

Facebook Comments