Naglabas na ang Department of Tourism (DOT) ng mga guidelines para sa staycations.
Batay sa guidelines, kailangan makapagpakita ang bawat bisita ng negative antigen rapid test result na kinuha sa parehas na araw ng kaniyang check-in at magiging mandatory na ang contactless o cashless payments.
Kailangan namang makapagpresinta ang mga hotels ng certificate of authority to operate at sumunod sa lahat ng health guidelines ng Local Government Units (LGUs), Department of Health (DOH) at DOT.
Ipapatupad din ang mandatoryong pagsusumite ng talaan ng mga bisita kada ika-10 ng buwan sa regional DOT office at lokal na tanggapan ng DOT.
Maaari na ring mag-operate ang gym, swimming pool, restaurant, iba pang food and beverage outlets maliban sa mga bar.
Facebook Comments