Nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) sa mga hotel na ginagamit bilang quarantine facilities na dapat masunod ang mandatory 14 days quarantine period.
Ito’y para sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pilipinas mula sa mga bansang saklaw ng travel ban dahil sa bagong variant ng Coronavirus.
Ayon kay DOT-National Capital Region (NCR) Director Woodrow Maquiling Jr., dapat isailalim pa rin sa quarantine ang mga nagbalik na OFWs kahit pa nagnegatibo ang mga ito sa RT-PCR swab test.
Una nang nadagdag sa mga bansang saklaw ng travel restrictions ng Pilipinas ang Brazil, Finland, India, Jordan, Norway, Portugal at Austria.
Bukod pa ito sa travel restrictions na nauna nang ipinatupad sa 21 pang mga bansa.
Facebook Comments