Nagpaliwanag ang Department of Tourism (DOT) matapos hindi maisama ang Bulkang Mayon sa bagong official tourism video nito.
Ito ay matapos magpahayag ng pagkadismaya si Albay Second District Representative Joey Salceda na hindi naisama ang bulkan sa naturang promotion video.
Ayon kay Frasco na kinikilala nito ang ambag ng lalawigan ng Albay sa tourism portfolio ng bansa at ang ni-release na video ng ahensya ay simula pa lamang at siniguro sa mambabatas na patuloy ang pagsisikap ng ahensya na magkaroon ng pantay na promotion sa mga tourist destination ng bansa.
Binanggit rin ni Frasco na magsasagawa sana ngayong buwan ang DOT ng isang caravan sa Bicol Region, ngunit pansamantala umano itong inilipat ng Agosto dahil sa sitwasyon sa rehiyon.
Samantala, nakkikipag-ugnayan na DOT sa kanilang regional office sa mga lokal na pamahalaan sa Kabikulan.