DOT, nakatanggap ng mas marami pang report kaugnay sa hotel quarantine violation

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na nakatanggap na sila ng mas maraming report kaugnay ng mga paglabag sa quarantine protocol sa mga hotel, bago pa ang insidente sa Makati City.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, hindi pa ito natututukan ng mga awtoridad dahil hindi pa nailalantad ang pangalan ng mga sangkot dito.

Aniya, ang insidente sa Makati ang unang pagkakataon na nalantad ang pangalan ng quarantine skipper kaya natunton ito ng mga awtoridad at ang hotel na kaniyang tinuluyan.


Hinikayat naman ni Puyat ang mga nagre-report ng mga quarantine violator na pangalanan ito gayundin ang hotel para maaksyunan ito.

Samantala, tiniyak ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na papanagutin ang sinumang may sala o mga nagpabaya sa ipinapatupad na quarantine rules.

Hindi lang aniyang kasong sibil ang isasampa sa mga ito kundi kasong kriminal.

Facebook Comments