Nakiisa ang Department of Tourism (DOT) sa pribadong sektor sa pagsuporta sa Ingat Angat campaign na layong palakasin ang economic recovery ng bansa habang pinananatili ang kalusugan ng bawat Pilipino.
Ang programa ay inilunsad ng Taskforce T3 (Test, Trace, Treat), isang multi-sectoral public-private consortium na nakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Ang Ingat Angat ay isang kampanya ng pribadong sektor na layong pasiglahin ang ekonomiya.
Layunin ng programa na suportahan ang pagpapalakas ng testing capacity, isolation at treatment centers.
Sa ngayon, nakapagtayo na sila ng 99 laboratories sa buong bansa at nakapagsagawa ng nasa 1.8 million test sa buong bansa mula nitong Agosto.
Target nilang makapagsagawa ng 10 million tests sa iba’t ibang bahagi ng bansa pagsapit ng June 2021.