DOT, nakikipagpulong sa local airlines para i-maximize ang mga destinasyon sa bansa

Inihayag ng Department of Tourism (DOT) na ipagpatuloy at lalo pang pagtibayin ang pakikipagtulungan nito sa local airlines upang isulong at i-maximize ang maraming magagandang tourists destinasyon sa bansa.

Ang pahayag ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco kasunod ng pakikipagpulong nito sa Local Air Carrier at sa mga stakeholder mula sa industriya ng turismo.

Inirekomenda ng kalihim ang papanumbalik ng mga lumang flight na nahinto dahil sa COVID-19, gayundin ang pagsaalang-alang at pagpapakilala ng mga bago upang mapalakas ang industriya ng turismo.


Ang pagkakaroon aniya ng mga flight ay maghahatid ng pagiging bukas ng ating bansa upang makatanggap ng domestic at foreign tourists nang sa gayun ay muling sisigla ang tourism industry.

Facebook Comments