Nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa iba’t ibang tanggapan at opisyal ng pamahalaan upang mas makonsulta ang pagsasapinal ng Tourism Development Plan ng bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng naturang pagpupulong na magkaroon ng konsultasyon ang DOT sa bawat tanggapan ng pamahalaan, maging ang iba’t ibang local chief executives sa bansa para sa Tourism Development Plan ng Pilipinas.
Dagdag pa ng kalihim, layon ng pagpupulong ay ang mga kinakailangan pang mga programang pang turismo ng ibang mga bayan para matugunan ito ng kagawaran.
Sa huli, nanawagan si Frasco sa naturang pagpupulong, na tulungan ang tourism sector na ibalik ang sigla ng tursimo sa bansa sa tulong ng kani-kanilang mga ahensya at lokal na pamahalaan.