DOT, nakipagpulong sa LA travel trade stakeholders para makapanghikayat pa ng foreign tourist

Nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa iba’t ibang travel and trade stakeholders ng Los Angeles sa California upang mas makapanghikayat pa ng mga foreign tourist na tumungo sa ating bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Cristina Frasco, ang naturang pagpupulong kasama ang mga airline and aviation companies at top travel and tour operators sa LA.

Aniya, malaki ang naiambag ng Estados Unidos sa muling pagbangon ng tourism industry sa ating bansa dahil isa ang kanilang bansa sa unang tumungo sa Pilipinas mulo noong binuksang muli ang pagtanggap ng foreign tourist, Pebrero noong nakaraang taon.


Samantala, dagdag pa ni Frasco na makaaasa ang naturang mga stakeholder na magiging maayos ang accommodations ng kanilang mga mamamayan sa ating bansa dahil sa patuloy na pagpapabuti ng Philippine tourism sector kabilang na ang pagpapabuti ng mga tourist infrastructure sa Pilipinas.

Facebook Comments