DOT, nalagpasan na ang target na 4.8-M international visitor arrivals sa bansa ngayong 2023

Inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga foreign tourist na dadating sa bansa hanggang sa katapusan ng taon matapos malagpasan na ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang target na 4.8 million.

Ayon sa DOT, 4,822,530 na ang kanilang naitalang foreign tourist arrival hanggang noong Nobyembre 27.

Nasa 91.88% o katumbas ng 4,430,725 ang mga dayuhang turista habang ang natira naman ay 8.12% o 391,805 ay mga nagsisiuwian nating mga kababayan mula sa ibayong dagat.


Pinakamarami pa ring turistang dumating sa bansa ay mula sa South Korea na nasa 1,271,602.

Sinundan ito ng mga turista mula sa US, Japan, China at Australia.

Facebook Comments